Skip to content

Getting Started

Welcome! 👋 Tutulungan ka ng guide na ‘to para i-set up ang account mo, mag-login, at i-add ang iyong unang parking lot. Tara, lets start!

Sa ngayon, para makagawa ng account, kailangan mong kontakin yung admin. Sila muna ang gagawa ng account para sa’yo. Wala pa tayong self-service registration, and I don’t think we’ll have that since we need to manually verify operators.

Kapag may account ka na, madali na lang mag-login. Punta ka lang sa login page, tapos ilagay mo lang ang iyong email at password na sinend ng system sa email address na binigay mo. Pasok ka na! ✅

Login Credentials

Pagka-login mo, diretso ka sa dashboard. Para i-add ang iyong unang parking lot, sundin mo lang ang mga steps na ‘to:

  1. Hanapin mo sa sidebar menu ang “Parking Lots” at i-click mo ‘yan.
  2. I-click ang button na “Add New Parking Lot”. May lalabas na form na may ilang steps.

Heto ang breakdown ng bawat step para hindi ka malito:

Step 1: Basic Information (Mga Pangunahing Detalye) 📝

Section titled “Step 1: Basic Information (Mga Pangunahing Detalye) 📝”

Dito natin ilalagay ang mga basic na info tungkol sa parking lot mo.

  • Parking Lot Name: Pangalan ng parking mo. Gawin mong descriptive para madaling tandaan (e.g., “Parking sa Kanto ni Aling Nena”).
  • Address: Street address ng parking lot.
  • Barangay: Saang barangay ito matatagpuan.
  • City: Piliin ang tamang city mula sa listahan.
  • Province: Lalawigan kung nasaan ang parking (e.g., “Metro Manila”).
  • Country: Naka-fill out na ‘to, ‘wag mo na pansinin, malamang nasa Pinas tayo.
  • Google Maps Link: I-paste dito ang link ng location galing sa Google Maps. Pwede ‘yung mahaba o ‘yung short link. Automatic na kukunin ng system ang latitude at longitude para sa’yo. Importante ‘to para sa mapa! 🗺️
  • Latitude & Longitude: Automatic na ‘tong ma fill-up galing sa Google Maps link. Hindi mo na kailangan i-edit.
  • Parking Lot Type: Ano’ng klase ang parking mo? (e.g., Public, Commercial, Residential, Establishment).
  • Contact Number: Numero na pwedeng tawagan ng mga customer kung sakaling gustong magpareserve sayo. 📞
  • Description: Maikling paliwanag tungkol sa parking lot mo.

Step 2: Features & Amenities (Mga Serbisyo at Kagamitan) ✨

Section titled “Step 2: Features & Amenities (Mga Serbisyo at Kagamitan) ✨”

Dito naman natin ililista kung ano-ano ang mga ino-offer sa parking lot mo.

  • Vehicle Types (Mga Klase ng Sasakyan):
    • I-check ang box kung anong mga sasakyan ang pwede: Kotse (Cars) 🚗, Motor (Motorcycles) 🏍️, Bisikleta (Bicycles) 🚲.
    • Kung pwede ang motor, pwede mong i-specify kung “Big Bikes (400cc and up)” o “Small Bikes (400cc below)” ay allowed.
  • Parking Spaces (Bilang ng Espasyo):
    • Total Car Spaces: Ilang kotse ang kasya? (Lalabas lang ‘to kung pinili mo ang “Allows Cars”).
    • Total Motorcycle Spaces: Ilang motor ang kasya? (Lalabas lang ‘to kung pinili mo ang “Allows Motorcycles”).
  • Number of Floors: Ilang palapag ang parking facility mo.
  • Amenities & Features: I-check lahat ng meron ka:
    • Covered Parking (May bubong) ☂️
    • Handicapped Access (Para sa PWD) ♿
    • Security (May gwardya) 👮
    • CCTV 📹
    • EV Charging (Para sa electric vehicles) ⚡
  • Monthly Lease Details (Detalye para sa Buwanang Upa):
    • Monthly Deposit Required: Kailangan ba ng deposit para sa monthly parkers?
    • Monthly Deposit Consumable: Pwede bang gamitin ang deposit pambayad?
    • Monthly Deposit Refundable: Ibabalik ba ang deposit pagkatapos ng kontrata?
    • Minimum Monthly Lease Duration: Ilang buwan ang pinakamaikling pwedeng kontrata?

Step 3: Operating Hours (Oras ng Bukas) ⏰

Section titled “Step 3: Operating Hours (Oras ng Bukas) ⏰”

I-set natin ang schedule ng parking mo. Para sa bawat araw (Lunes hanggang Linggo):

  • Closed: I-check kung sarado sa araw na ‘yon. ❌
  • 24 Hours: I-check kung bukas buong araw. 🌞🌜
  • Custom Hours: Kung hindi sarado o 24 hours, ilagay mo ang Opening Time at Closing Time.

Mag-upload ng mga picture ng parking lot mo.

  • I-click ang “Upload Images” para pumili ng litrato sa computer mo.
  • Hanggang 3 images lang ang pwede mong i-upload.
  • Siguraduhing hindi lalagpas sa 1MB ang bawat picture.
  • Pagka-upload, pwede mong:
    • Remove (Tanggalin) ang picture gamit ang ‘X’ icon.
    • Reorder (Ayusin ang pagkakasunod-sunod) gamit ang up at down arrows.

Step 5: Pricing Rules (Mga Patakaran sa Presyo) 💰

Section titled “Step 5: Pricing Rules (Mga Patakaran sa Presyo) 💰”

Dito mo gagawin ang sistema ng pagpepresyo. Pwede kang magdagdag ng maraming rules para sa iba’t ibang sitwasyon.

Sa bawat rule, kailangan mong i-define ang:

  • Vehicle Type: (e.g., Kotse, Motor)
  • Day Type: (e.g., Araw-araw, Weekdays, Weekends, Holidays)
  • User Group: (e.g., General, Senior Citizen, PWD)
  • Area Name (Optional): Kung may specific na area (e.g., “Basement”, “VIP Area”).
  • Pricing Type: Paano kokompyutin ang bayad. May iba’t ibang options dito:
    • Fixed: Isang presyo lang, flat rate para sa isang araw parang presyohan ng pagpark ng motor sa SM.
    • Tiered: May base rate para sa unang ilang oras, tapos iba ang bayad sa mga susunod na oras (Kadalasang presyohan sa Ayala Malls).
    • Overnight: Special na rate para sa magdamagan, may cut-off time.
    • Lost Card: Penalty kung nawala ang ticket.
    • Percentage Discount: Porsyento ng bawas sa total na bayarin.
    • Monthly/Weekly: Flat rate para sa buwanan o lingguhang parking.
  • Description (Optional): Pwede kang maglagay ng note (e.g., “Promo para sa weekends”).

Pwede kang mag-Add, Copy, o Remove ng pricing rules kung kailangan.

Pagkatapos mong punan lahat ng steps, i-click mo na ang “Submit” o “Save” button para ma-create ang iyong bagong parking lot listing. Ayos! 🎉


Ngayon meron ka ng parking lot, now is the time to setup your first booking! 🎉

👉 Go to Booking para matutunan kung paano mag-set up ng inyong first booking!